📰 Newspapers

[In This Economy] Dapat ka bang singilin dahil sa utang ng Pilipinas?

[In This Economy] Dapat ka bang singilin dahil sa utang ng Pilipinas?

Wala tayong kanya-kanyang bill na katumbas ng 'utang kada Pilipino'

Umani ng kontrobersya ang pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano noong September 23 sa umpisa ng plenary sessions sa pagtalakay sa 2027 budget.

Pinalutang kasi niya ang ideyang kusang mag-ambag ang mga Pilipino ng mahigit P170,000 bawat isa.

Ito ay bunsod ng mga ulat na sa P19.66 trilyon ang utang ng pambansang gobyerno sa pagtatapos ng Setyembre 2026, ayon sa Bureau of the Treasury. Katumbas ’yan ng 66.9% ng GDP, mula sa 66% noong katapusan ng Hunyo.

Sa madaling salita, lumaki na talaga ang utang kumpara sa laki ng ekonomiya.

Ang pahayag ni Cayetano ay pinatulan naman ng media. Sa iba’t ibang ulat, pinukaw ang atensyon ng mga tao sa tanong na, “Magkano ang utang ng bawat Pilipino?”

Ang sagot umano ay P174,405.06. Nakuha ’yan sa paghahati ng utang ng gobyerno sa populasyong naitala sa 2024 census.

Ngunit may pakiusap ako sa media at sa mga politiko. Tuwing lumalabas ang bagong datos sa utang ng gobyerno, tigilan na po sana natin ang pagsasabing “ganito na kalaki ang utang ng bawat Pilipino.”

Alam ko naman kung bakit patok ang linyang ’yan. Mahirap arukin kung gaano kalaki ang isang trilyong piso. Kapag hinati mo ang utang sa dami ng Pilipino, mas relatable ang halaga at mas madaling isama sa headline.

In brief

Umani ng kontrobersya ang pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano noong September 23 sa umpisa ng plenary sessions sa pagtalakay sa 2027 budget. Sa madaling salita, lumaki na talaga ang utang kumpara sa laki ng ekonomiya. Tuwing lumalabas ang bagong datos sa utang ng gobyerno, tigilan na po sana natin ang pagsasabing “ganito na kalaki ang utang ng bawat Pilipino.

This is the opening of the story, shared with credit to Rappler (Philippines). The rest of the report — with every detail — continues on the publisher’s website.

Continue reading at Rappler (Philippines) ↗

Cookie settings

Choose which cookies we may use. You can change this at any time from Cookie settings in the footer. Details of each cookie are in the Cookie Policy.

Strictly necessary

Needed for sign-in, security, payments and remembering these choices. Always on.

Preferences

Remember settings such as dark mode.

Analytics & performance

Help us count visits, understand which pages, devices and countries our readers use, and measure how well the site performs – anonymous and aggregated.

Advertising & marketing

Lets advertising partners show and personalise adverts, measure impressions, clicks and visits, prevent ad fraud and pay us – this is how the free site is funded.

🔔 News notifications

Get headlines from NewsHub on this device — even when the site is closed.

You can switch this off at any time. Works on Android, Windows, Mac and Linux browsers; on iPhone/iPad add the site to your Home Screen first.